"Generous amount" umano ang iniabot ni Lillard sa donation drive ni Pressman para sa pagpapagawa ng nasunog na bahagi ng PGH. Ron Chenoy, USA Today Sports/Reuters
Nagpasalamat ang aktres na si Yassi Pressman sa ipinaabot na mga donasyon para sa Philippine General Hospital, kung saan ilang bahagi nito ang nasunog noong Mayo 16.
Isang partikular na personalidad na binigyang-pugay ni Pressman nitong Linggo? Ang NBA superstar na si Damian Lillard ng Portland Trail Blazers.
"Also, huuuuge thanks to big brother @DamianLillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able help," saad ng aktres na nakilala bilang bahagi ng "Ang Probinsyano."
Hindi binanggit sa Instagram post ni Pressman kung magkano ang idinonate ni Lillard, na dalawang beses nang bumisita sa Pilipinas — una bilang bahagi ng "The Last Home Stand" charity basketball event noong 2014 at pangalawa sa isang promo tour ng kaniyang sneaker sponsor noong 2016.
Bumisita si Pressman sa PGH sa Maynila para tingnan ang lagay nito.
"It was really heartbreaking seeing all of the infants, sobrang saludo po ako sa lahat ng mga tumulong," kuwento ng aktres.
"Saludo po ako sa mga taong di nagdalawang isip at di sumuko na itakbo ang mga sanggol palabas ng ospital."
Sumiklab ang sunog sa ika-3 palapag ng pay ward ng Philippine General Hospital sa Maynila pasado hatinggabi noong Mayo 16, ayon sa tagapagsalita nito.
Walang casualty sa insidente, ayon kay PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario. Nagdeklara ng fireout ang mga bombero alas-5:45 ng umaga nitong Linggo, dagdag niya.
Nasa 80 to 90 porsyento ng mga pasyente ay inilikas, kabilang ang mga COVID-19 patients, ayon sa Bureau of Fire Protection.
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Damian Lillard donation, Yassi Pressman, NBA, PGH sunog, PGH fire, Tagalog news