TFC News

Mga Pinoy sa Europa, nagsagupaan sa ‘Hampasan 2023'

Marco Camas | TFC News Norway

Posted at May 31 2023 01:14 AM | Updated as of May 31 2023 05:30 AM

OSLO - Nagtagisan ng galing sa katatapos na ‘Hampasan 2023’ badminton tournament ang iba't-ibang Pinoy teams mula sa walong bansa sa Europa.

Host country ang Norway ngayong taon at galing pa sa Sweden, Finland, Denmark, Belgium, Netherlands, Spain at England ang mga manlalarong Pinoy.

1

Naisipan ng magkakaibigang organizers ng event na panahon na para magkaroon ng tournament sa Europa para magtipon-tipon ang Pinoy badminton players, ngayong patapos na ang pandemya.

"Gusto sana namin mag-invite ng players sa ibang countries na Pilipino rin at mag-join lang dito sa Norway para to have fun and to be competitive with the sport of badminton,’’ sabi ni JL Oliveros, organizer.

Para sa mga kalahok at organizers, magandang pagkakataon ang event upang mapagtibay ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa Europa.

“We joined this badminton event because it’s fun and we've been playing badminton in Denmark and we would like to experience playing outside and meet other Filipinos around Europe,” sabi ni Marilyn at Bong, mula Denmark.

2
“Naglalaro kami sa Madrid, so we want to experience na makipag-compete sa iba’t ibang country, so enjoy naman,” sabi ni Ezra at Ricky, mula Spain.

Maganda rin daw ang sport event upang mapanatili ang kalusugan at mabuting mental health ngayong patapos na ang pandemya.

‘’Thinking po na nasa abroad tayo is gusto po natin ng libangan and everyone loves badminton. We think this is a very good arena to meet other Filipinos and it is also good for our health,” sabi Cezar, mula Finland.

Ang koponan mula England ang may pinakamaraming kalahok. Sa halftime break, pina-indak ang players at manonood ng Likha Scandanavia dance group.

3

Humataw at nagwagi ang mga koponan mula sa England sa panalo ng Men’s A hanggang C categories. Sa Women’s A hanggang C categories, panalo ang koponan mula sa Norway, Finland at England.

Sa mixed categories, dominado pa rin ng England ang panalo.

4

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Norway, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.