'Queen of PH Javelin' panalo ng 4 na gintong medalya sa Singapore

Justin Aguilar, ABS-CBN News

Posted at May 28 2019 01:28 AM | Updated as of May 28 2019 12:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

BAGUIO CITY - Nasungkit ng tinaguriang "Queen of Philippine Javelin" na si Erlinda Lavandia ang 4 na gintong medalya sa katatapos lang na Singapore Masters Athletics 40th Anniversary Track and Field 2019.

Pinataob ng 67 anyos ang mga atleta mula sa 13 bansa at nakasungkit ng 4 na gintong medalya para sa javelin throw, discus throw, hammer throw, at shot put event. 

Pinarangalan din si Lavandia bilang "Best Athlete of Field Events" sa Southeast Asia.

Kasalukuyang nagsisilbi si Lavandia bilang consultant sa Philippine Sports Commission pero muli siyang sasabak para maging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Masters Athletics na gaganapin naman sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Nobyembre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.