PatrolPH

UAAP kinilala ang SEAG delegates sa Season 85 closing ceremonies

Champ de Lunas, ABS-CBN News

Posted at May 27 2023 08:26 PM

Kinilala ng UAAP ang mga atletang nakilahok sa nagdaang SEA Games sa Cambodia sa pormal na pagsasara ng UAAP season 85.

Pinangunahan ni Adamson Falcon Jerom Lastimosa na kabilang sa “Redeem Team” ng Gilas Men’s basketball team na nakuha ang gintong medalya ang mga atletang dumalo.

Bukod kay Lastimosa, ilan pa sa nanalo rin ng gintong medalya sina forward Mike Phillips at Swimmer Xiandi Chua na parehong galing De La Salle University-Manila at National University taekwondo jin Kurt Barbosa.

Pitumpu't tatlong student-athletes mula sa UAAP ang lumaban para sa Pilipinas.

Ipinasa naman ng Season 85 host Adamson University ang responsibilidad ng pagho-host ng UAAP Season 86 sa University of the East.

“Yung opportunity na yun na manalo kami sa championship sobrang saya nun na nakuha namin yung gold or nabalik namin yung gold sa Pilipinas," ani Adamson point guard Jerom Lastimosa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.