Playing in PBA was ‘unbelievable’: ‘Last Dance’ producer inalala ang paglalaro bilang import

ABS-CBN News

Posted at May 22 2020 10:15 PM

Alam niyo bang may koneksyon pala ang Pilipinas sa executive producer ng "The Last Dance" documentary?

Ang isa pala sa nasa likod ng nasabing proyekto ay si Andy Thompson na dating naglaro sa Tanduay noong 1986.

Si Thompson ay kapatid ni Mychal na dating Los Angeles Lakers big man at tiyuhin naman ni Klay ng Golden State Warriors.

Sa panayam sa Republika Huddle ng NBA Philippines, sinabi ni Andy Thompson na laking gulat niya raw noong dumayo siya sa Pilipinas para maglaro ng basketbol.
 
"Man, the thing that jumps right at you is when you get there, you think you've been exposed to the best fans in the world because you grew up in the United States," ani Thompson.

"But there is nothing that could have prepared me for the passionate fans and the fandom of the Filipino fans. It was unbelievable."
 
Kuwento niya na magkahalong tuwa at kaba raw ang naramdaman niya noong una siyang lumaro para sa Tanduay.

"Because every game at the point in time in 1986, my contract was't guaranteed. The import before me was cut, and he was averaging 30 and 17. What do you expect me to do?" aniya.

Pero natulungan niya ang Rhum Masters na makabalik makaraan ang 4 na sunod na talo.

"But I had Divine Intervention. They were losing four straight and when I came, I think we won five straight. I became the lucky charm," dagdag ni Thompson.

Pagkaraan ng maraming taon, nagkaroon siya ng pagkakataong makabalik sa Pilipinas noong 2013 nang magkaroon ng NBA preseason game sa pagitan ng Houston Rockets at Indiana Pacers.

"When I found out that there was gonna be a game played there, I signed up quickly. Fortunately, I'm in a position where I can pretty much choose the projects I wanna do," kuwento ni Thompson.

"I've always wanted to come back, I've always told my wife and kids and my co-workers just how passionate basketball is in the Philippines and they didn't believe it. So I wanted to go back and also act as a tour guide and show them where I played."

Si Thompson ang nakaisip na idokumento ang huling season ni Michael Jordan sa Chicago Bulls.

Nagtatrabaho na siya noon sa NBA Entertainment makaraang magretiro siya sa basketball dahil sa partial tear sa kaniyang ACL noong 1986.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.