PatrolPH

PBA: Bago mag-UE, inalala ni James Yap ang panahong nag-eensayo pa siya sa La Salle

ABS-CBN News

Posted at May 22 2020 12:03 AM

PBA: Bago mag-UE, inalala ni James Yap ang panahong nag-eensayo pa siya sa La Salle 1

Malayo rin ang narating ng PBA superstar na si "Big Game" James Yap.

Ilan sa kaniyang mga naging achievement ang pagiging 7-time PBA champion sa Purefoods, 2-time PBA MVP, at 4-time finals MVP.

Pero para kay Yap, di umano niya matutuntong ang kasalukuyang tugatog kundi niya nasubukang maglaro sa Metropolitan Basketball Association.

Kuwento niya sa isang online interview, high school player pa lang daw siya nang lumaro sila sa preliminary game bago ang MBA finals.  

"Second-year high school ako nu'n first finals ng MBA, Negros Slashers versus Pampanga Dragons. 'Yung preliminary game kami bago mag-Game 1 'yung Negros at Pampanga," pag-alala ni Yap.

"Umiskor ata ako noon ng 40 points. Tapos dumunk ako. After nu'ng dumunk ako, du'n na nag-start lahat."

Matapos ang laro, tinawagan na umano siya ng mga scout galing sa La Salle, Far Eastern University at University of the East.

"Andaming tumatawag, sino itong HS player nung preliminary game ng MBA?" kuwento niya.

Pumasok sa isip niyang maging Green Archer, at sa katunayan, nag-eensayo na siya sa Taft tuwing bakasyon niya sa high school.

" 'Pag bakasyon pumupunta akong Manila para mag-practice sa La Salle. Na-culture shock ako," ani Yap.

"Iba 'yung tao dito, sabi ko. Siyempre galing probinsya, sabi ko, 'Hala.' Nag-usap usap sila ng tito ko, hindi ko inalam ang nangyari, napunta ako ng UE."

Sa UE, nakasama niya ang mga future PBA veterans na sina Paul Artadi at Ronald Tubid at dinala nila ang Warriors sa Final Four.

Sa kasalukuyan, parte na ng Rain Or Shine si Yap.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.