PHNOM PENH, CAMBODIA - Nasungkit ni jiu-jitsu athlete Kaila Napolis ang kauna-unahang medalyang ginto sa 32nd SEA games noong May 4 sa Chroy Changvar Convention Center sa Phnom Penh, Cambodia. Isa ang sports ni Kaila sa mga naunang laro sa kompetisyon.
Si Kaila Napolis nang tinanggap ang kanyang gold medal sa 32nd SEA games
Kaya’t walang pagsidlan ng kasiyahan ang kanyang ina na si Gina Napolis na laging kabado tuwing sumasabak sa kompetisyon ang kanyang anak.
“Syempre po super happy kami for Kaila,all her sacrifices, trainings, hard work has paid off, sulit lahat ng hirap niya...
'Pag nanonood ako ng mga laro ni Kaila parang hindi lagi ako makahinga, feeling ko kasi lagi nasasaktan ‘yung anak ko. Pero nung nakita ko naswift na ni Kaila si Jessa, sobrang saya ko, naglulundag na ako sa tuwa,” kwento ni Gina sa TFC News.
Kinikilala rin ni Gina ang karangalang naibigay ni Kaila sa Pilipinas sa pagwawagi sa nasabing kompetisyon:
“Napakalaking karangalan para sa aming pamilya. Iba ang feeling na ang anak mo nakapagbigay karangalan para sa bansa.”
Para kay Gina, napakahalaga ng suporta ng pamilya sa mga atletang tulad ni Kaila:
“We allow her to train everyday, araw at gabi ‘yan kung magtraining. We also shell-out money in her trainings outside the country. There are a lot of times na ‘di siya nakakasama sa mga dinner at mga lakad namin kasi nasa training at on diet sya, iniintindi na lang namin kasi kailangan.
Tinalo ni Kaila sa kategoryang Women's Ne-Waza 52kg ang hometown favorite ng host country ng 32nd SEA games, ang Cambodia na si Jessa Khan.
Nakatikim na ng pagkatalo si Kaila kay Khan taong 2019 sa World Martial Arts Mastership Games na ginanap sa Chungju, South Korea.
“Nung 2019, we hosted SEA games and I lost against her in the finals under the 49kg category. I felt so close to the gold and failed cause I only lost by an advantage,” pagbabalik-tanaw ni Kaila.
Dalawa sa kasamahan ni Kaila sa Jiu-jitsu Federation of the Philippines ang nakasungkit din ng gold medal sa 32nd SEA games (left) Annie Ramirez sa Women's Ne-Waza NOGI 57kg | (right) Marc Lim sa Men's Ne-Waza NOGI 69kg
Sa limang minutong naging laban nina Kaila at Khan, nadomina ng ikalawa ang laro pero nakahabol si Kaila kung saan bandang huli, siya ang tinanghal na nagwagi.
“I was patient at first cause I did not want to make a mistake. I tried to get a good grip and control first before starting to attack to get the sweep and points,” ani Kaila.
Kahit nakaranas na ng pagkabigo, hindi tumigil si Kaila para pagbutihin ang kanyang istilo sa Jui-jitsu na ayon sa kanya, maaaring gamitin para sa self-defense:
“Jiu-jitsu is a grappling combat sport that can be also used as a self-defense. It is a martial art that focuses on ground fighting and submission holds.
From 2019 to today po we did not stop training. My team & coaches really helped me with everything from the mental to the physical prep.”
Ang panghihikayat noon ng kanyang kapatid ang dahilan para makahiligan ni Kaila ang jiu-jitsu:
“My brother started a month before me. He invited me because it was my summer break before college and had nothing to do. Jiu-jitsu is unique in a way that any gender and age can actually practice it cause it doesn't include kicking and punching so it is generally safe."
Mensahe naman ni Gina sa mga magulang na may mga anak na atletang tulad niya:
“Masasabi ko lang po sa mga magulang na may atletang anak. Napakaswerte po natin, dahil konti lang po tayong may mga anak na atleta na lumalaban para sa ating bansa. We are so blessed by God. Let's just support our children all the way.”
Bago pa ang 32nd SEA games, nakasungkit na rin ng gold medal si Kaila sa 7th Asian Jiu-jitsu Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand nito lamang February 24 at muli siyang sasabak sa mga sumusunod na kompetisyon:
Sept 23 Asian games | Hangzou China
Oct 21-30 Combat games
Nov 17-26 Asian indoor martial arts games | Thailand
Si Kaila Napolis sa 32nd SEA games
Payo ni Kaila sa mga tulad niyang atletang kababaihan:
“Don't give up po kung matalo man. ‘Yung mga talo po ay magiging stepping stones para sa mga susunod na panalo. Just keep training and the results will follow.”