MPBL, madadagdagan ng star power sa pagpasok ni Derek Ramsay sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at May 21 2019 07:00 PM | Updated as of May 21 2019 08:00 PM

Maglalaro para sa Batangas City Athletics—Tanduay ang aktor at kilalang sports enthusiast na si Derek Ramsay sa bagong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Kinompirma ito ni Batangas City team manager Gerry Tee sa isang artikulong lumabas sa Fox Sports Philippines nitong weekend.

“Yes, Derek Ramsay will play for us this season,” ani Tee.

Inaasahan ng team na dadalo na sa praktis ngayong linggo ang beteranong aktor na tumatayong endorser din ng Tanduay.
 
Isa si Ramsay, 42, sa dumaraming showbiz personalities na gustong pasukin ang larangan ng semi-professional basketball.

Nauna nang sumabak sa MPBL ang mga aktor gaya nina Gerald Anderson at Xian Lim, at basketbolistang naging artista tulad nina Mark Andaya at Andre Paras

Dating manlalaro si Ramsay ng koponang Kettle Korn sa dating Philippine Basketball League.

Kilala rin si Ramsay na frisbee enthusiast at golfer.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.