PBA: Carl Bryan Cruz pinasok ang online business sa gitna ng lockdown

ABS-CBN News

Posted at May 20 2020 01:27 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you sa idol ko na sikat na Tiktoker @gylisgod mabuhay ka 🙌❤ #YamadaPowerSpray #Disinfect

A post shared by CBC.Enterprises (@cbc.enterprises) on

Habang ang karamihan ay nagkukulong sa bahay dahil sa COVID-19, nakaisip naman ng paraan si Blackwater big man Carl Bryan Cruz at ang kaniyang kasintahan para kumita.

Kamakailan lang ay binuksan nila ang CBC Enterprises, isang shop na nagbebenta ng panglinis ng kotse't sasakyan. Mahilig kasi umano sila sa magagarang auto, kung kaya naisip nilang ipares ang hilig sa kanilang negosyo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Toys for the big boys 🤪 What’s your ECQ Story? #PressureWasher #Iloveit #CarWash 🧡

A post shared by CBC.Enterprises (@cbc.enterprises) on

“Honestly wala akong plano mag-online business, pero ’yung GF ko talaga nag-push sa’kin na ibenta ’yung efficient na product,” ani Cruz sa artikulong ipinost sa Spin.ph.

“Sobrang ma-diskarte ’yun, palaban siya, ako mahiyain."

Ilan sa mga naging kliyente niya ay mga kapwa PBA star at maging si dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.

“Marami akong na-realize, especially now things are very uncertain, lalo na sa nature ng trabaho ko as a professional basketball player. Lagi sa akin sinasabi ng girlfriend ko na lilipas ito, and I have to take advantage sa kung anong meron ako ngayon,” aniya.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.