PBA: Iyong panahong naging conditioning trainer ni Asi Taulava si Manny Pacquiao

ABS-CBN News

Posted at May 19 2020 10:36 PM

Alam niyo bang dating nagtrabaho bilang trainer ni Asi Taulava si Manny Pacquiao?

At ang bayad ng NLEX big man dati kay Pacquiao kada training session? P200.

Kuwento ni Blackwater team owner Dioceldo Sy, na nagdala kay Taulava sa Pilipinas noong 1997: "Asi was playing for my (Blu Detergent) team and he was going out almost every night for fun. One day, I catch him sleeping when I was picking him up, so I said to my business partner, 'I think we need to have somebody to condition Asi'."

"He said, 'I have this guy, Pacquiao, my boxer.' Pacquiao was a nobody then, so I said, 'OK, get him to run Asi for MWF, 6-9 in the morning'," dagdag ni Sy sa artikulong ipinost sa ABS-CBN Sports.

Kuwento ni Sy, sinusundo nila si Pacquiao sa tinutuluyang boxing gym sa Sampaloc, Manila.

"That's how we started with Manny running with Asi. He [Pacquiao] was running around PICC. He ran maybe 10 to 15 laps, Asi was doing half. That was 1997," sabi ni Sy.

Dating nakatira sa Hawaii si Taulava kung saan nagtrabaho siya bilang bouncer.

Nakumbinsi umano ng grupo ni Sy si Taulava na lumaro sa PBL para sa Blu Detergent sa halagang $3,000 kada linggo.

Kasalukuyang nasa NLEX si Taulava.

Si Pacquiao naman ay isa nang 8-division world champion bukod sa pagiging senador, negosyante, MPBL owner at iba pa.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.