PatrolPH

Basketball player huli sa buy-bust sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at May 15 2020 06:26 PM | Updated as of May 15 2020 09:58 PM

BACOLOR, Pampanga — Arestado ang isang atleta ng basketball noong Huwebes matapos umano nitong bentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng marijuana.

Pinasok ng mga operatiba ng Bacolor drug enforcement unit ang kuwarto ng target na si alyas Chris, 25, at isang basketbolista ng Maharlika Pilipinas Basketball League ng Nueva Ecija.

"A week ago, nagkaroon kami ng sunod-sunod na anti-illegal drug entrapment operation. One thing led to another until nagkaroon nga kame ng lead kung saan ang source nila," ani Police Maj. Louie Gonzaga, hepe ng Bacolor police. 

Sa body search, anim na karagdagang sachet pa ng hinihinalang marijuana leaves ang nakuha kay Chris.

"Hindi po porket busy ang lahat sa paglaban natin sa COVID-19 magre-relax na po tayo sa ating kampanya laban sa ilegal na droga," sabi ni Gonzaga.

Lubos naman ang pagsisisi ni Chris

Bukod kay Chris, inaresto din ang 1 lalake at 1 babaeng kasama nito.

Mahaharap ang 3 sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.