National volleyball team lineup inanunsyo na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

National volleyball team lineup inanunsyo na

National volleyball team lineup inanunsyo na

Dyan Castillejo,

ABS-CBN News

Clipboard

Inanunsyo na ng Philippine National Volleyball Federation ang kanilang mga lineup para sa men's, women's, at beach volleyball para sa upcoming SEA Games sa Vietnam, pati na rin ang Asian Senior Women's Championship na ayon kay PNVF president Tatz Suzara ay magaganap sa Clark, Pampanga.

Kasama sa women's national team sina Jaja Santiago, Aby Marano, Eya Laure, at ilang mga atleta sa iba't ibang UAAP schools.

Sa men's team naman sina Marck Espejo at Bryan Bagunas, at iba pang atletang nakasama sa koponan na nakasungkit ng silver sa nakaraang SEA Games.

Sa beach volleyball, kabilang sina Sisi Rondina at ang mga kasama niyang nanalo ng Bronze sa huling SEA Games.

ADVERTISEMENT

Lahat ng labing-anim na dumalo ng women's team tryouts noong April 28 at 29 sa ay pasok sa team.

Ayon sa PNVF, kulang pa raw ang pool para sa women's team kaya binuksan nito ang pagkakataon para sa mga players na hindi nag-attend ng tryouts sa Subic, kagaya nina Alyssa Valdez at Jia Morado.

Pero ang pagpili ng mga natitirang slots sa teams ay nakabase sa desisyon ng PNVF, kasama ang bagong Brazilian coach na si Jorge Edson.

Magsisimula ang training sa June 1 sa Subic, samantalang ang beach volleyball training ay magaganap muna sa Ilocos Norte simula May 15 bago pumunta rin sa Subic.

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.