Basketball: Sino nga ba ang sinasabing future ng Gilas? May opinyon si Alapag

ABS-CBN News

Posted at May 08 2020 04:25 AM

Nakikita na umano ni dating national team player Jimmy Alapag ang mga susunod na magiging Gilas Pilipinas star player.

Kung noon ay pinangungunahan nina Alapag, Jayson Castro, Marc Pingis at Ranidel de Ocampo ang koponan, di magtatagal ay susunod sa kanilang yapak sina Robert Bolick, CJ Perez, at Kiefer Ravena.

Nakasali na ang tatlong batang guard sa Gilas team na sumabak sa 2019 FIBA World Cup at nasaksihan ni Alapag kung paano umangat si Perez.

"I think we got a chance to get a glimpse of what he'll be able to do in the future during the last FIBA World Cup," sabi ni Alapag sa artikulong lumabas sa PBA.ph

Kasalukuyang deputy head coach ng San Miguel Beer sa PBA at head coach ng San Miguel Alab Pilipinas sa ABL si Alapag.

"I'm a big Robert Bolick fan," dagdag ni Alapag. "I hope he can come back from his knee injury. I think that kid is just so tough and he's really been a winner throughout his young career."

Sinabi naman ni Alapag na mataas ang basketball IQ ni Ravena.

"I'm excited to see Kiefer Ravena get back on the court. Coming out of his suspension, that's not easy for a young player," ani Alapag.

"I'm excited for him to really get back on the floor long term, and see him lead his team, because again he's a winner." 

Paniwala ni Alapag, maraming mapaghuhugutang talento ang programa ng Gilas.

"We have a lot of really great young talent and I'm excited to watch these guys now that I'm coaching," aniya. "It allows me to be a basketball fan and watch these guys be successful on the court." 

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.