Basketball: Sino nga ba sa mga ex-Gilas player ang may kakayahang maging head coach?

ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 06:02 AM

Tulad ni Jimmy Alapag, may kakayahan umano ang ilan sa mga dating Gilas Pilipinas player na maging head coach ng Philippines men's national basketball team.

Sina Ranidel de Ocampo, LA Tenorio at Gabe Norwood ay pawang mga miyembro ng Gilas 2.0 na sinasabing pinaka-matagumpay na bersiyon ng Gilas, ayon kay dating Gilas head coach Chot Reyes.

"In Gilas, I had a team of leaders," ani Reyes sa artikulong lumabas sa ABS-CBN Sports

"Gabe Norwood, Jayson Castro, Marc Pingris, Ranidel De Ocampo . . . they were all leaders in their own ways. We had a team of leaders."

Si Alapag ang unang halimbawa ng Gilas player na naging coach. Matapos magretiro sa PBA, nagsilbi siyang coach ng San Miguel Beer Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League, bukod sa pagiging assistant coach sa San Miguel Beer sa PBA.

"You’re saying Jimmy is coaching now, Jimmy was already a coach even before he became a coach. Naglalaro pa lang siya, he had that mind already," Reyes said.

"I think LA will become a great coach. Ranidel, I think, will turn out to be a pretty good coach, just because of his demeanor and understanding of the game. Gabe Norwood certainly, I think, will turn out to be a very good coach as well. Everyone there will have their shot, but I think aside from Jimmy, it’s LA, Ranidel, and Gabe."

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.