PatrolPH

NBA: Jordan kinutya ang istilo ng laro ng 19 anyos na Bryant

ABS-CBN News

Posted at May 04 2020 03:32 PM

NBA: Jordan kinutya ang istilo ng laro ng 19 anyos na Bryant 1
Sa pagkamatay ni Kobe Bryant nitong Enero, inamin ni Michael Jordan na mataas ang respeto niya sa Los Angeles Lakers legend. Harry How/Getty Images/AFP/file

Hindi kaila sa fans ng parehong player na iniidolo ng yumaong si Kobe Bryant si Michael Jordan. 

Mula kay “His Airness,” kinopya ng “Black Mamba” ang mga signature moves nito. At sa mga henerasyon ng NBA player na sumunod kay Jordan, tanging si Bryant lamang ang naka-perfect umano sa paggaya sa dating Chicago Bulls player.

Ngunit sa pagsisimula ni Bryant sa NBA hindi maiwasan ni MJ na kutyain ang laro ng batang shooting guard sa 1998 All-Star Game, base sa isang behind-the-scenes na eksena sa bagong episode ng “The Last Dance” na lumabas nitong Lunes.

“That Laker boy’s gonna take everybody 1-on-1,” ani Jordan, na umani rin ng kritisismo sa pagiging buwakaw sa kaniyang kabataan.

“He don’t let the game come to him. He just go out there and take it . . . If I was his teammate, I wouldn’t pass him the f—ing ball.”

Sa kanilang pagtanda, nagkaroon na rin ng mutual respect sa isa’t isa ang dalawang manlalaro.

Sa parehas na dokumentaryo, nagpahayag si Bryant ng pasasalamat sa tulong at paggabay ni Jordan, na itinuturing niyang kuya. 

“He’s like my big brother,” pahayag ni Kobe. 

“I truly hate having discussions about who would win one-on-one . . . What you get from me is from him. I don't get five championships here without him, cause he guided me so much and he gave me so much great advice.”

Sa pagkamatay ni Bryant nitong Enero, inamin ni Jordan na mataas ang respeto niya sa Los Angeles Lakers legend.

“When Kobe Bryant died, a piece of me died,” ani MJ sa isang memorial service para kay Bryant noong Pebrero.

Mapapanood ang “The Last Dance” sa Netflix. 

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.