'Di pwedeng lagi kang 2nd': 3 taong silver medalist, kampeon na ng Palarong Pambansa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sports

'Di pwedeng lagi kang 2nd': 3 taong silver medalist, kampeon na ng Palarong Pambansa

'Di pwedeng lagi kang 2nd': 3 taong silver medalist, kampeon na ng Palarong Pambansa

Karl Cedrick Basco,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 30, 2019 04:59 PM PHT

Clipboard

Naibulsa ni Bernalyn Bejoy ang gintong medalya sa 400m hurdles secondary girls sa Palarong Pambansa 2019 sa Davao City. Mark Demayo, ABS-CBN News

DAVAO CITY — “Last mo na ito, girl.”

Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Bernalyn Bejoy ng Western Visayas sa kaniyang naging paghahandang makabawi sa 400-meter hurdles secondary girls sa Palarong Pambansa 2019 sa Davao City.

Nagbunga ang kaniyang pansariling motibasyon nang magawang ungusan ang apat na taon na niyang karibal sa Palaro na si Riza Jane Vallente ng National Capital Region. Sa nakalipas na tatlong taon, laging kinakapos si Bejoy kontra kay Vallente.

“Four years na po ko akong natatalo nung taga-Cebu pero NCR siya ngayon. Second lang po ako since Grade 9, Grade 10, Grade 11. Ngayong Grade 12 lang ako nakabawi,” kuwento ni Bejoy.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Bejoy, matagal na niyang pangarap na makuha ang gintong medalya ngunit nahihirapan ito lalo na sa technique niya sa pagdating sa mga hurdle.

“Di na lang dapat laging second ka. Dapat mag-first ka na rin,” ani Bejoy. “ ‘Yung problema sa 'kin ‘yung trotting ko sa hurdle 'pag malapit na sa hurdle, 'di ako makatalon ng diretso. Natatakot ako na tumalon agad. Dun ako nade-delay. Dun ako natatalo sa kanya.”

Sa kabila ng kanilang mahigpit na bakbakan sa nakalipas na mga taon sa Palarong Pambansa, inamin ni Bejoy na magkaibigan na sila ni Vallente lalo pa’t palagi silang naghaharap.

Labis ang kaniyang katuwaan sa natamong tagumpay lalo pa’t hindi naging madali ang kaniyang naging ensayo para sa huling Palaro nito.

“Feeling ko po sobrang proud ako sa sarili ko kasi despite sa mga struggles na pinagdaanan ko like matumba ako sa hurdles, pinapagalitan ako, umiiyak ako. Worth it lahat ng pinagdaan ko sa training,” tugon ni Bejoy.

Walang balak mag-aral ang atleta sa Maynila sa kabila ng maraming offer sa kaniya ng malalaking unibersidad. Ayon sa kaniya, mas nais niyang matapos ang pag-aaral sa Negros dahil darating din naman umano ang pagkakataon kahit nasa probinsya siya.

Dagdag pa nito, ikinababahala rin niya ang kaniyang injury sa tuhod na maaaring lumala sakaling sa Maynila ito mag-aral at maglaro.

“Mas pinili ko dahil na rin sa injury ko, dahil sa tuhod ko. Nilalagyan ko lang ng muscle tape for 2 years,” ani Bejoy.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.