PatrolPH

NBA MVP race: Joel Embiid balik sa Top 5; Nikola Jokic patuloy na nangunguna

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2021 05:37 PM

NBA MVP race: Joel Embiid balik sa Top 5; Nikola Jokic patuloy na nangunguna 1
Nikola Jokic at Joel Embiid. Kuha nina Kim Klement at David Butler II ng USA TODAY Sports via REUTERS

Balik sa Top 5 sa MVP race ng NBA si Joel Embiid ng Philadelphia 76ers matapos ang matikas na laro kontra Boston Celtics nitong nakaraang linggo kung saan pumukol ito ng 35 puntos. 

Binuhat ni Embiid ang Sixers sa nasabing laban, 106-99, upang walisin ang kanilang season series kontra Celtics, ang koponan na tumalo sa kanila sa 2020 NBA playoffs. 

Kababalik lamang ng basketbolista sa hardcourt matapos indahin ang problema sa kaliwang tuhod nito. 

“I’ve still got a long way to go to get back to where I was before I got hurt. I’m not all the way there, but tonight was a big step,” sabi ng manlalaro. 

Ayon sa artikulo mula sa NBA website, umakyat sa ikatlong puwesto si Embiid sa likod ng nangungunang si Nikola Jokic ng Denver Nuggets at Damian Lillard ng Portland Trail Blazers.

Naungusan nito sina James Harden ng Brooklyn Nets at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks na kapwa hindi pa nakakabalik sa laro dahil sa kani-kaniyang injury. 

Kumakatok naman sa pinto ng Top 5 si Kyrie Irving ng Nets na kasalukuyang tabla sa listahan si Luka Doncic ng Dallas Mavericks. Galing si Doncic sa impresibong laro kontra Milwaukee na tumabon sa masalimuot na pagkatalo sa Houston Rockets. 

Bumagsak naman sa ikalimang puwesto si Harden nang hindi makapaglaro sa tatlong laro ng kaniyang koponan dahil sa strained right hamstring. Tangan naman ng two-time MVP na si Antetokounmpo ang ikaapat na puwesto na tatlong laban na ang hindi nalalaruan. 

Narito ang Top 10 sa 2020-2021 Kia Race to the MVP ladder ngayong linggo.

1. Nikola Jokic, Denver Nuggets (26.3 ppg, 10.9 rpg, 8.7 apg, 1.5 spg)

2. Damian Lillard, Portland Trail Blazers (29.2 ppg, 4.3 rpg, 7.7 apg)

3. Joel Embiid, Philadelphia 76ers (29.9 ppg, 11.2 rpg, 3.2 apg, 1.4 bpg, 1.1 spg)

4. Giannis Antetokounmpo, Milwaukee Bucks (28.8 ppg, 11.4 rpg, 6.2 apg, 1.3 bpg, 1.1 spg)

5. James Harden, Brooklyn Nets (25.2 ppg, 8.0 rpg, 10.9 apg, 1.2 spg)

6. Luka Doncic, Dallas Mavericks

6. Kyrie Irving, Brooklyn Nets

7. Kawhi Leonard, LA Clippers

8. LeBron James, Los Angeles Lakers

9. Devin Booker, Phoenix Suns

10. Chris Paul, Phoenix Suns

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.