PBA: Ian Sangalang namigay ng tulong sa mga kababayan sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 10:55 PM

Isama na rin sa listahan ng mapagkawang-gawa si Magnolia Hotshot big man Ian Sangalang na nagbigay ng tulong sa mga nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kasama ang kaniyang maybahay na si Eunice, nag-ikot sila sa Angeles City at bayan ng Lubao, Pampanga para mamigay ng mga meat product at de lata.

"ECQ extended. Paying it forward and hoping everyone chips in to keep it rolling 🙏🏻❤️ My wife @itseuniceyu and I started with our respective hometowns (Angeles City & Lubao)," ang sabi ni Sangalang sa kanyang Instagram post.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.