PatrolPH

PUBG: 2 koponan sa PMCT na-disqualify sa matapos ang suntukan sa Makati mall

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2023 04:44 PM | Updated as of Apr 01 2023 07:42 PM

Courtesy: PUBG Mobile 
Courtesy: PUBG Mobile 

MAYNILA (UPDATE) - Na-disqualify ang dalawang professional teams ng People's Unknown Battlegrounds (PUBG) matapos magsuntukan ang ilan sa kanilang mga manlalaro sa torneyong ginanap sa mall sa Makati. 

Sa isang pahayag, sinabi ng PUBG Esports Mobile Philippines na madi-disqualify ang Elevate Reborn at Infamous sa PUBG Mobile City Tournament 2023 - NCR Final matapos magsuntukan ang dalawang manlalaro malapit sa entablado. 

"The PMCT organizing body and the [mall] Management have a strong zero tolerance policy for this kind of misconduct and misbehavior. We want to remind players to abide by the tournament's rules and regulations and to uphold the highest standards of sportsmanship and responsible gaming," anila. 

Kumalat na ang ilang video nina TooPro (Infamous) at Steven Joshua "Edoten" Cruz (Edoten) na nagsusuntukan sa social media. 

Magtatagal ang torneyo mula Abril 1 hanggang Abril 2. 

'Mas nanaig ang galit' 

Sa isang pahayag sa kaniyang social media page, sinabi ni Edoten na pinagsisisihan niya ang insidente. 

Nagpaunmanhin din siya sa kaniyang mga kakampi, sa management, at sa mga mahal niya sa buhay. Giit ni Edoten na nadala siya ng emosyon dahil "dahil dinamay yung mahal ko sa buhay." 

"Mas hahabaan ko pasensya ko at magiging isang aral para sakin ito. Muli humihingi ako ng sorry sa lahat ng tao nadamay at naistorbo sa nangyari,"

Inako din umano niya ang responsibilidad sa insidente. 

"Sorry talaga sa mga kakampi ko. Hindi ko alam kung paano ako babawi pero tinatake ko yung full responsibility sa nangyari sa'min. Sa mga nagsasabi bakit ko pinatawad agad humingi na naman ng pasensya wala na dapat pag-awayan pa. Sorry sa lahat ng na disappoint," ani Edoten. 

Sa kaniya namang pahayag, nagpaumanhin din si TooPro sa kaniyang mga kakampi at sa mga tournament organizer. 

Humingi man siya ng paumanhin kay Edoten, ay tila may pautsada pa siya rito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.