TFC News

Mga Pinoy lumahok sa 28th Rome Marathon

Jackie de Vega | TFC News Italy

Posted at Mar 28 2023 02:16 PM | Updated as of Mar 28 2023 02:49 PM

ROME - Lumahok ang mga Pinoy sa 28th Rome Marathon noong March 19. Ayon kay Alona Cochon, delegado ng Italian Marathon Club para sa Filipino community, humigit kumulang 100 na Pilipino ang tumakbo sa 42km marathon at 5km fun run.

12

Ang ilan sa kanila ay dumayo pa mula sa London, Dublin, Abu Dhabi, Dubai, The Netherlands, Amerika at maging sa Pilipinas. Napabilang naman ang apat na world-class Pinoy runners sa Pacers.

Sila ang mga elite runners na tumutulong upang i-set ang pace ng runners. Ngayong taon, may “Philippine Cheering Station” sa 26km mark sa Ponte della Musica.

Nagpamalas ang mga Pilipino ng traditional dances sa pamumuno ng Pinoy Teens Saling Lahi habang taga-hiyaw at palakpak naman ang ibang mga Pilipino na nag-abang na makita ang mga kababayang sumali sa marathon.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italy, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO: