Gagawaran bilang boxing manager of the year si JC Manangquil sa pagbabalik ng Elorde Awards matapos ang 3 taon.
Bata pa lang si Manangquil, pangarap na niyang maging boksingero pero pinigilan siya ng kanyang ina na ipagpatuloy ang pangarap sa takot na siya’y masaktan.
Ngunit dahil sa kanyang pagmamahal sa boxing, ang pagiging manager ang kanyang naging paraan upang hindi mapalayo sa contact sport sa edad na 13.
Hindi anya madaling makuha ang world championship. Sa katunayan, 16 taon ang kanyang ginugol para sa "fight game."
Sa bawat matagumpay na boxing world champion kasi, may isang manager gaya ni JC na gumagabay sa kanya upang siguraduhin ang panalo sa ibabaw ng ring.
Kabilang sa inaayos ng manager ang pagkuha ng tamang schedule, pagpili ng ka-match na kalaban at pagbuo ng team na kinabibilangan ng mga trainers at cutmen.
Dalawa na ang kasalukuyang world champions na hawak ni JC,
sina IBO flyweight champion Dave Mark Apolinario at si WBO mini-flyweight champion Melvin Jerusalem.
Umaasa pa si JC sa pangatlong world champion mula sa kanyang grupo sa laban ni Marlon Tapales para sa WBA Super bantam weight belt sa April 8 na gaganapin sa San Antonio Texas.
Maliban sa husay sa ring, ugali at disiplina ng boksingero ang kanyang tintingnan bago pumirma sa isang kontrata kasama siya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.