PatrolPH

Volleyball: Jaja Santiago magbabalik pa rin sa Ageo Medics ng Japan League

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2020 05:18 PM | Updated as of Mar 17 2020 06:55 PM

Magbabalik pa rin bilang miyembro ng Saitama Ageo Medics ang dating UAAP star na si Jaja Santiago kapag natuloy na ang ikatlong season ng Japan V. Premier League.

Malaki ang naging papel ni Santiago sa third-place finish ng Ageo Medics sa liga noong nakaraang season.

Aniya, kinausap na raw ng koponan ang kanyang agent tungkol sa posible niyang pagbabalik.

“After nu’ng game namin ng third place, tinanong na nila 'yung agent ko na pilitin ako na maglaro ako for a third season,” sabi ni Santiago sa ABS-CBN Sports

Naunang sumalang si Santiago para sa Ageo noong 2018 matapos ang kanyang collegiate career. Malaki agad ang naging impact niya sa koponan dahil sa kanyang tangkad na 6-foot-5 at abilidad.

“Eh sabi ko naman sa Ageo na if ever babalik ako ng Japan ulit, mag-stay talaga ako sa Ageo,” aniya.

“Ayoko kasi ng new adjustment, new environment. Gusto ko na kung saan ako komportable na, dun ako,” dagdag pa niya.

Nagpaplanong bumalik ng Japan si Santiago sa katapusan pero dahil sa community quarantine na ipinataw sa buong Luzon, mapipilitan muna siyang i-postpone ang lipad.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.