PatrolPH

MMA: Belingon sumunod na rin kay Folayang, bumaklas na sa Team Lakay

Dennis Gasgonia, ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2023 12:20 PM

Si Kevin Belingon habang nakikipagbakbakan kay Bibiano Fernandes. Handout photo
Si Kevin Belingon habang nakikipagbakbakan kay Bibiano Fernandes. Handout photo

Isang araw matapos i-anunsiyo ni Eduard Folayang ang kanyang paglisan sa Team Lakay, ipinaalam na rin ni Kevin Belingon na hindi na rin siya parte ng pinakasikat na MMA stable ng Pilipinas.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ng "The Silencer" na nakipag-usap na rin siya sa Team Lakay coach na si Mark Sangiao tungkol sa paglisan niya sa grupo.

"Even beautiful things have endings...but it does not mean that beautiful beginnings are not coming! Memories are memories. Friendships are Friendships. And, life goes on," ani Belingon sa kaniyang post.

"I would like to make a public statement that I'm no longer with Team Lakay. I had a farewell talk with coach Mark Sangiao and we ended on a good note. Coach, thank you for everything and for understanding my need for growth."

"With whole sincerity, I wish you all the best in life."

Isa si Belingon, dating ONE bantamweight champion, sa mga pioneer ng Team Lakay na nag-iwan ng marka sa Philippine MMA.

Sa ilalim ng Team Lakay, napanalunan niya ang ONE bantamweight title. Bago pa iyon ay napanalunan rin niya ang URCC flyweight title.

Mayroon siyang pro MMA record na 20 wins and 10 losses. Nakatanggap siya ng limang sunod na pagkatalo sa mga huling laban, bagay na nagtulak sa kaniya para mag-isip sa kaniyang kinabukasan sa MMA.

"Leaving the team makes me emotional because it has been my home for the last 16 years. But, at the same time I look forward for what lies ahead. Fresh start," sabi ni Belingon.

"My decision to leave the team comes only from my own personal desire to cultivate my skills. Since I'm STILL an active ONE Championship athlete.👊" 

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.