PBA: Terrence Romeo, GlobalPort coach Pido Jarencio nagsigawan sa bench

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 08:59 PM | Updated as of Mar 06 2018 09:17 PM

Nagkasigawan ang GlobalPort star player na si Terrence Romeo at ang kaniyang coach na si Pido Jarencio sa kanilang quarterfinal game kontra Magnolia sa PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena Martes.

Nangyari ang insidente 3 minuto ang natitira sa third quarter nang lumamang ang Magnolia, 54-53, matapos habulin ng Hotshots ang 20 puntos na kalamangan ng GlobalPort.

Pagtawag ni Jarencio ng timeout, makikitang pinipigilan siya at si Romeo ng mga player at team staff habang mainit na nagsisigawan ang dalawa.

Ayon sa courtside report, ang pagtawag umano ni Jarencio ng substitution para kay Romeo ang ugat ng pagtatalo.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.