Detalye ng Pacquiao bout sa Asya, inaayos na

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 08:45 PM | Updated as of Mar 06 2018 09:04 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kinumpirma ni Top Rank promoter Bob Arum na sa Asya ang susunod na laban ni Sen. Manny Pacquiao.

Ayon sa boxing promoter, pinaplantsa na lang umano ang ilang detalye ng laban na magaganap sa Mayo ngayong taon, dahil ang mga Asian investors na mula sa China at Malaysia ang magbabayad sa fight purse ni Pacman.

Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumutok ang balitang co-main event lang si Pacquiao sa bakbakang Jeff Horn – Terrence Crawford sa Las Vegas sa Abril 14. 

Pero ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, maayos ang relasyon nila ni Pacquiao.

Dagdag pa ni Arum, walang pang-iinsulto at hindi dapat mainsulto si Pacquiao dahil ito mismo ang nagsabi na hindi siya puwedeng lumaban sa Abril 14.

Inanunsiyo naman ni Pacquiao nitong Martes na sa Kuala Lumpur, Malaysia ang kaniyang susunod na laban.

Magaganap umano ito sa ikatlong linggo ng Hunyo.
    
Napili niya umano ang Malaysia para mas maraming Asyano ang makapanood ng kaniyang laban.

Sina Lucas Mathysse at Danny Garcia umano ang pinagpipilian na makakalaban ni Pacquiao.

--Ulat ni Bev Llorente, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.