PBA: Poy Erram ganap nang KaTropa, nagpakita na sa TNT practice

ABS-CBN News

Posted at Feb 29 2020 10:34 PM | Updated as of Feb 29 2020 11:33 PM

Nagpakita sa unang tuneup game ng TNT ngayong Sabado ang bagong sentro nitong si Poy Erram, matapos maging opisyal ang paglipat nito sa KaTropa.

Sa media day lamang noong Huwebes, makikitang bahagi pa si Erram ng NLEX, ngunit iyon na pala ang huling pagkakataong makakasama niya ang Road Warriors.

Biyernes nang aprubahan ng PBA ang 3-team trade kung saan nakuha ng TNT si Erram galing NLEX gamit ang Blackwater bilang conduit. Limang players at apat na draft picks ang nagpalit kamay rin.

Sa unang araw niya bilang KaTropa, dumalo si Erram sa ensayo ng TNT sa Moro Lorenzo Sports Center sa Quezon City, ngunit hindi ito naglaro sa tuneup game nila kontra Ateneo.

Nanalo ang Blue Eagles 103-86. 

Ilang beses munang nirepaso ng TNT ang Erram trade package nito bago aprubahan ng liga.

Ayon kay TNT active consultant Mark Dickel, malaki ang itutulong ng beteranong Gilas Pilipinas big man sa inside game ng team.

"In the short time I worked with him in GIlas, I was so impressed with his mentality and basketball IQ. (He) picks things up well and has a real talent for the defensive end of the court," sabi ni Dickel. 

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.