SILIPIN: NBA All-Star experience ni Gretchen Ho

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 09:53 PM | Updated as of Feb 22 2018 02:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa ang Kapamilya host na si Gretchen Ho sa napiling celebrity influencers mula sa iba't ibang bahagi ng mundo para manood ng 2018 NBA All-Star Weekend sa Los Angeles.

Ayon kay Ho, sa larong basketball muna siya nahumaling bago maging volleyball player.

Unang dumating si Ho sa Staples Center, kung saan naglalaro ang mga NBA team na Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.

Bukod sa pagtapak sa court, naka-ikot din si Ho sa dugout area, at nakapasok sa loob ng media room kung saan ini-interview ang mga player at coach.

Proud ang Kapamilya host dahil siya ang nag-iisang babae roon, at para na rin umanong natupad ang kaniyang childhood dream na maging manlalaro ng NBA.

Nakasama rin ni Ho ang iba pang Asian stars, gaya ng Canadian-Taiwanese actor na si Godfrey Gao, Chinese-Canadian model Adrianne Ho, at "Meteor Garden" at F4 star Vanness Wu.

Sa All-Star celebrity game, naglaro ang ilan sa big celebrities gaya ni Justin Bieber, Caleb McLaughlin ng "Stranger Things," Jamie Foxx at Nick Cannon.

Masayang nagkukulitan ang Hollywood stars habang naglalaro, kasama ang ilang retiradong NBA players.

Hindi pa man nakikita ang idolong si Michael Jordan, nakapag-selfie naman si Ho kasama si "Black Panther" star Michael B. Jordan.

Nagbigay naman ng inspirasyon ang NBA Rising Stars sa mga bata nang mapanood ni Ho ang kanilang practice.

Nagtapos ang unang araw ni Ho sa bakbakan ng Rising All-Stars sa hardcourt. 

Kahit natalo ang Team USA sa Team World, masayang umuwi ang lahat ng Rising Stars dahil sa mga napasaya nilang fans.

Sa unang araw pa lang ng NBA All-Star Weekend experience ni Ho, siksik na agad sa pasabog.

Makita kaya ni Ho ang kaniyang iniidolo na si Michael Jordan? Abangan sa susunod na report.

--Ulat ni Gretchen Ho, ABS-CBN News