PBA: Calvin Abueva nagbukas ng kainan habang 'di pa nakakabalik sa liga

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 03:27 PM | Updated as of Feb 11 2020 03:38 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by calvin thebeast abueva (@abuevacalvinthebeast) on

MAYNILA -- Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ni Calvin "The Beast" Abueva habang hinihintay niyang ma-lift ang kanyang indefinite suspension sa PBA?

Mayroon na pala siyang bagong bukas na kainan kung saan naghahain sila ng seafood.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by calvin thebeast abueva (@abuevacalvinthebeast) on

Sa mga litratong ipinost niya sa Instagram, kitang kitang nag-e-enjoy siya sa pag-e-entertain ng mga customer sa kanyang Dampa ni The Beast Seafoods. Ilan sa kanyang mga naging panauhin ay mga nakalaro pa niya sa PBA.

May walong buwan na ang nakakaraan mula nang patawan ng indefinite suspension si Abueva dahil sa pakikipagbangayan sa TNT import na si Terrence Jones. Bukod dito ay pinagmulta rin siya ng P70,000. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by calvin thebeast abueva (@abuevacalvinthebeast) on

Umapela na si Abueva sa opisina ni PBA commissioner Willie Marcial para mai-lift na ang ban pero sinabi ng opisyal na pag-uusapan pa ito sa board.

Pinayagan naman daw ni Marcial na bumalik si Abueva sa practice kasama ng kanyang koponan na Phoenix Pulse.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.