Mala-indie film ang paglalahad ng TNC Pro Team ng kanilang roster para sa MPL Season 11. Courtesy: TNC Pro Team
MAYNILA -- Matapos kapusin sa ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League, nangako ang TNC Pro Team na babangon muli sila.
At idinaan nila ito sa isang mala-indie film na roster reveal.
Sa roster reveal na pinamagatang "Biyaheng Tagumpay," inilahad ng TNC ang 10-man roster na ilalabas nila para sa MPL Season 11.
Unang lumabas si Jomarie "Escalera" Delos Santos na tila bumalik sa kaniyang roots bilang jeepney driver, bago yumapak sa professional scene.
Sumunod naman dito ang paglalahad na kinuha nila si Kenneth "Saxa" Fedelin na dating mula Bren Esports, na inaasahang papalit kay Daniel "Sdzyz" Chu na umalis sa pro scene.
Dito rin inilahad ang pagbabago ng in-game name ni Robee Pormocille sa "Ninjakilla" mula "Yasuwo" na tila nakikipag-fliptop kay Mark "Kramm" Rusiana. Sa tila pag-iinit ng fliptop battle ng dalawa, doon na inilahad ang pagbabalik ni John Laurence "Lift" Ruiz, na gumaganap bilang isang tanod.
Inilahad sina assistant coach Scholar, ang bagitong si Riku at ang batikang si Ben "Benthings" Maglaque na gumanap bilang isang lolo na nakakuha ng lakas habang hinahabol ang jeepney nina Escalera.
Huling inilahad ang ilang rookie gaya nina Hesu, Kingkong, at Goyo bilang mga estudyante, kasama ang bagong assistant coach na si Right, na pumasok sa jeepney na pinapasada ni Escalera.
Pawang pumasok sa mga jeep ang mga manlalaro at coaching staff na may pangakong i-biyahe muli ang koponan sa tagumpay.
Panoorin dito ang video.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.