Ngayong lumipad na sa China ang dating NLEX import na si Jonathon Simmons, inaasahang dadaan sa matinding pressure ang kaniyang kapalit na si Wayne Selden.
Sa pangunguna ni Simmons, nakapagtala ng apat na sunod-sunod na pagkapanalo ang Road Warriors dahil sa kaniyang galing at leadership.
Iyon lang at talagang nakatakda na siyang bumalik sa Chinese Basketball Association (CBA), kaya walang choice ang NLEX kung hindi maghanap ng kaniyang kahalili.
Unang makakaharap ni Selden at ng Road Warriors ang Barangay Ginebra sa Miyerkoles dakong 5:45 p.m.
Nagdaan na sa dalawang practice session si Selden at NLEX para maghanda sa napipintong bakbakan nila ni Justin Brownlee at Gin Kings.
Dating lumaro sa NBA ang 28-year-old na si Selden sa Memphis, New Orleans, Chicago, at New York.
Nakarating din siya sa Israel (Ironi Nes Ziona), Turkey (Afyonkarahisar Belediye and Manisa Buyuksehir Belediye), at Italy (Tezenis Scaligera Verona) bago nag sign up sa NLEX sa PBA.
"There were bumps on the road just to get him here but finally, he has arrived. We are hoping that Wayne can sustain the momentum that we have," ani Road Warriors team manager Larry Fonacier.
"Nakita naman natin how Simms plays. From what I know, si Wayne is a scorer. But with another game on Wednesday against Ginebra, we will give him a crash course on how we run things," ayon naman kay the NLEX head coach Frankie Lim.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.