PANOORIN: Mac Cardona nasangkot sa gulo ilang araw nang iwan ang San Juan Knights

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2020 05:51 PM | Updated as of Feb 05 2020 05:59 PM

 


Muling nasangkot sa gulo si Mac Cardona makaraang kumalat ang isang video na nagpapakitang nakikipagsuntukan umano ang dating PBA player.

PANOORIN: Mac Cardona nasangkot sa gulo ilang araw nang iwan ang San Juan Knights 1
Si Mac Cardona noong lumalaro pa sa MPBL. MPBL file foto

Sa isang video na naka-post sa Facebook page ng Kotse.com, makikitang sinusuntok niya at sinisipa ang isang lalaki sa kabila ng pang-aawat ng kanyang kasama. 

Ayon sa caption na kasama ng video, nangyari ang gulo sa labas ng isang club sa Bonifacio Global City. 

Lumaro si Cardona nang 12 seasons sa PBA bago muling nagbalik sa paglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League para sa San Juan Knights.

Pero kamakailan lang ay iniwan na rin niya ang kanyang koponan dahil sa mga isyung pampersonal.

Matatandaang isinugod sa ospital si Cardona noong 2016 dahil sa drug overdose. Naaresto rin siya ilang taon ang nakalipas makaraan umanong mambubog ng kanyang common law wife.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)