Vincent Astrolabio. Esther Lin/SHOWTIME
Matapos ang knockout win kontra kay Nikolai Potapov ng Russia nitong Disyembre, nakahanay na sa isang world title fight ang Pinoy boxer na si Vincent Astrolabio.
Ipinag-utos na ng IBF ang bantamweight title clash sa pagitan ni Astrolabio at Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico.
Kailangan nang mapagkasuduan ng mga kampo ni Astrolabio at Rodriguez ang detalye ng laban bago mag Pebrero 25 para maiwasang umabot pa sa purse bidding ang sagupaan.
Matatandang nabakante ang IBF bantamweight crown nang bitiwan na ito ng Japanese superstar na si Naoya Inoue para umakyat sa super bantamweight class.
Ginulantang ni Astrolabio ang boxing fans nang dominahin niya ang dating world champion na si Guillermo Rigondeaux sa Dubai para makuha ang WBC international bantamweight crown.
Kasunod nito, pinatulog naman niya si Potapov sa loob ng 6 rounds.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.