PatrolPH

Mac Cardona may ibubuga pa para sa Boracay Islanders

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2023 09:30 PM

Mac Cardona kasama ang Boracay Island team owner Monching Talisayon.
Mac Cardona kasama ang Boracay Island team owner Monching Talisayon.

Pinatunayan ng dating PBA player na si Mac Cardona na bagamat nasa dulong parte na siya ng playing career ay may ibubuga pa siya.

Sa nilaro niya sa mga nakaraang matches ng Pilipinas Super League Basketball (PSL) na pinamumunuan ni Marc Pingris, nakadalawang sunod na Player of the Game siya para sa Boracay Islanders.

Sa kanilang 84-81 victory laban sa Pampanga Lanterns, umiskor ang dating De La Sa University standout ng 26 points kasama ng 3 rebounds, 4 assists at 3 steals.

Tumikada naman siya ng 20 points, 6 boards at 4 assists sa kanilang 89-82 win laban sa Cagayan de Oro PSP.

Ang dalawang sunod na panalo ay extension ng kanilang 6-game win streak sa PSL.

Bumawi nang matindi si Cardona ilang buwan matapos masangkot sa kontrobersiya nang makairingan niya ang game officials sa laro nila laban sa Batang Kankaloo. 

"Inspirasyon ko 'yung tatlo kong anak at 'yung mga tao nag mamahal sa akin," ayon sa dating PBA player.

Nagpapasalamat din siya sa Boracay Island team owner na si Monching Talisayon sa patuloy na pagsuporta kahit nagdaan siya sa kagipitan.

"Nagpapasalamat ako lalo na kay Boss Monching Talisayon," aniya.

Sa kasalukuyan, naga-average ng 21.4 points, 6 rebounds, at 3.5 assists si Cardona, base sa huling apat niyang laro.

Masaya naman si Talisayon sa ipinakikita ng kanyang manlalaro.

"Kayang kaya pa ni Mac Cardona makipagsabayan. Talagang kayang kaya pa niya," ayon sa Boracay Islanders team owner.

Sa ngayon ay may record ang koponan na 7 wins at 4 losses.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.