PatrolPH

Hidilyn Diaz lalaktawan ang SEA Games

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2023 06:44 PM | Updated as of Feb 02 2023 01:09 AM

Si Hidilyn Diaz noong 31st Southeast Asian Games (SEA Games 31) sa Hanoi, Vietnam, 20 May 2022. File photo. Luong Thai Linh, EPA-EFE.
Si Hidilyn Diaz noong 31st Southeast Asian Games (SEA Games 31) sa Hanoi, Vietnam, 20 May 2022. File photo. Luong Thai Linh, EPA-EFE.


MAYNILA -- Hindi lalahok sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang ating nag-iisang Olympic gold medalist.

Puspusan ang paghahanda ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz para sa Olympic qualifiers, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard "Dickie" Bachmann.
 
"I understand that Hidilyn is also not going to the SEA Games," ani Bachmann sa ginanap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Sa kabila ng pagkawala ni Diaz sa SEA Games roster ng bansa, magandang pagkakataon naman ito para sa ibang atleta, ani Bachmann.

"It’s a perfect time for other athletes who’ve been training to step up and perform for the national team," aniya. "It’s about time other athletes step up. That’s why we have a national pool; that’s why we have a grassroots program."

Matatandaang nadepensahan ni Diaz ang kanyang titulo sa women’s 55 kg weightlifting noong 2022 SEA Games, dalawang taon makalipas niyang mapanalunan ang ginto sa Olympics.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.