PatrolPH

Caloy Yulo lalahok sa SEA Games, pero 'di sa Asian Games

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2023 06:58 PM

Caloy Yulo. AFP/file
Caloy Yulo. AFP/file

Sasali sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang Pinoy Olympian na si Caloy Yulo.

Nakatakda siyang mag-compete muli sa SEA Games na gaganapin mula Mayo 5 hanggang Mayo 17 sa pag-asang maulit o malagpasan niya ang 5-gold medal niya noong Hanoi SEA Games 2022.

Nakalinya sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 ang Asian Games sa China na tatama naman sa darating na 2023 World Artistic Gymnastics Championships sa Antwerp, Belgium.

Ang Worlds na nakatakdang ganapin sa Setyembre 29 hanggang Oktubre 8 ay isa sa mga qualifying tournament para sa 2024 Paris Olympics.

Target ni Yulo na makasungkit ng gintong medalya sa Olympics matapos siyang pumalya sa 2021 Tokyo Games.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.