PatrolPH

Boxing: Magsayo haharapin si Figueroa para sa interim WBC title

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2023 08:12 PM

Premier Boxing Champions
Si Mark Magsayo bago ang laban niya kay Rey Vargas. Ryan Hafey / Premier Boxing Champions

MAYNILA -- Nakatakda muling lumaban para sa isang world title si Mark Magsayo sa darating na Marso.

Makakaharap ng dating WBC featherweight king si Brandon Figueroa para sa WBC interim featherweight championship.

Ang laban ay magsisilbing main event sa isang Showtime card na magaganap sa Marso 4 sa Toyota Arena sa Ontario, California.

Matatandaang nabitiwan ni Magsayo ang korona sa isang narrow split-decision loss laban kay Rey Vargas noong nakaraang Hulyo sa kabila ng ng isang knockdown niya laban sa Meksikano.

Lalaban din sa kaparehong card ang kanyang kababayan na si Jonas Sultan.

Makikipagduwelo ang dating 2-time bantamweight title contender sa dating IBF champion na si Javier Mendoza ng Mexico.

Bagamat walang titulo na nakalinya para sa kanilang 10-rounder, inaasahang malaki ang magiging epekto nito sa kanyang ranggo sa bantamweight class.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.