PBA: Sean Anthony nabigyan ng 2-year max deal ng NorthPort

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2020 07:38 PM

Si Sean Anthony at ang NorthPort coach na si Pido Jarencio. Richard Esguerra, ABS-CBN Sports

Nabiyayaan ng 2-year maximum deal mula sa NorthPort si Sean Anthony makaraang matulungan niya ang Batang Pier na makaabot sa semifinals nitong nakaraang PBA Governors Cup.

Ayon kay NorthPort team manager Bonnie Tan, malaki ang naging impact ni Anthony sa Batang Pier na nakarating ng tatlong playoffs nitong nakaraang PBA season.

“Sean was present the entire season and was our team captain, who continuously provides the team’s leadership and support,” ani Tan sa artikulong lumabas sa Spin.ph

Malaki ang naging papel ni Anthony sa Batang Pier, lalo na nang ma-injure si Robert Bolick. Nagtala siya ng 11.2 points, 5.5 rebounds, at 5.2 assists per game sa Governors Cup kung saan pinataob nila ang top-seed NLEX sa playoffs.

Sa katunayan, pumangatlo si Anthony sa statistical race para sa MVP award nang magtala ng 33.46 statistical points sa likod nina June Mar Fajardo at CJ Perez.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.