Boxing: Ancajas balik-training sa US

Dennis Gasgonia, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2023 08:05 PM

Premier Boxing Champions/file
Si Jerwin Ancajas laban kay Fernando Martinez ng Argentina. Ryan Hafey, Premier Boxing Champions/file

Lumipad na papuntang US ang dating world junior bantamweight champion na si Jerwin Ancajas nitong Lunes para ipagpatuloy ang kanyang training.

Sinabi ng kanyang coach na si Joven Jimenez na base sa usapan nila ni MP Promotions president Sean Gibbons, mag-ti-train ang dating IBF champion sa Las Vegas.

Nakatakda sanang lumabas sa Imus, Cavite si Ancajas sa darating na Pebrero pero maaring magbago ito.

"Malaman namin pagdating doon," ang sabi ni Jimenez. "Diretso na kami [sa] Vegas."

Magsasama-sama sila sa training ni dating world champion Marlon Tapales, junior bantamweight contender Jade Bornea, at Olympic bronze medalist Eumir Marcial na nakabase sa ngayon sa Las Vegas.

Aakyat na ng bantamweight class si Anjacas matapos ng dalawang sunod na pagkatalo laban kay Fernando Martinez ng Argentina.

MULA SA ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC