PBA: Kita ang maturity ni Japeth matapos ang isa na namang titulo

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2020 12:03 AM

Para kay Aguilar, na ngayo'y 5-time PBA champion na, hindi naging priority ang manalo ng mga individual award. PBA Media Bureau

Malaking bagay umano ang maturity sa pag-improve ng laro ni Japeth Aguilar, na nag-uwi ng finals MVP matapos panalunan ng Barangay Ginebra ang 2019 PBA Governors' Cup.

Nag-average siya ng 17.3 points, 7.0 rebounds, at 3.4 blocks upang tulungan ang Ginebra na talunin ang Meralco 4-1 sa best-of-7 series.

"Coming into this series, tinake on ko 'yung challenge," ani Aguilar sa ABS-CBN Sports.

"Alam naman namin 'yung strength ni [Allen] Durham, so for me talagang focus lang ako sa role ko. Just thankful sa basketball gods kasi it went our way."

Para kay Aguilar, na ngayo'y 5-time PBA champion na, hindi naging priority ang manalo ng mga individual award.

"For me, mas importante 'yung goal, which is the championship. Lahat kami may kanya kanyang part sa kampeonato na 'to. Ginawa ko lang 'yung part ko," aniya.

"It's just maturity talaga. It's just learning, never stopping from growing sa lahat ng mga conferences na minsan we fall short of our goals. Keep on learning lang talaga."

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.