TFC News

Pinoy athletes handa muling humakot ng karangalan para sa PH ngayong 2023

Mye Mulingtapang | TFC News Italy

Posted at Jan 11 2023 03:38 PM

MILAN - Muling sasabak sa European racing si Troy Alberto sa ilalim ng Kawasaki team ng RT Motosport para sa Fim Fédération Internationale de Motocyclisme Supersport 300 World Championship.

Babalik sa Italy si Alberto ngayong Marso para mag-training. Noong nakaraang Hunyo, nakuha ni Alberto ang ikatlong pwesto sa 2022 Internationale Deutsche Motorradmeisterschaft sa Most, Czech Republic.

Troy Alberto
Photo from Troy Alberto's FB page

“It will be my goal to move closer to the front like maybe try to be more consistently in the top 10 and maybe try and get to the podium if possible,” sabi ni Troy Alberto, Filipino International World Superbike Racer.

Samantala nasungkit naman ng multi-awarded Filipino kart racer William Riley Go ang unang pwesto sa ROK Superfinal 2022 sa Lonato, Italy noong October 2022.

Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi sa nasabing kompetisyon.

Go
Photo from William Riley Go's FB page

“Even before the race I said to myself okay if we win then it's going to be one of the biggest achievements of my life and I already told myself pumping myself up we can win, we can win, we're going to win I just said that to myself just so that I can keep the adrenaline going. I know in my mental state that it's there we are there we're good enough to win the race,” sabi ni William Riley John Go, ROK Superfinal 2022 Champion.

Target ni Go na makapasok sa Formula 1 at mai-puwesto ang Pilipinas sa International racing scene. Naging maganda rin ang 2022 para sa Asia’s best pole vaulter at world number 3 na si EJ Obiena.

Obiena
Photo by Ben Stansall, AFP during the Tokyo 2020 Olympic Games

Humakot ng mga medalya si Obiena sa iba-ibang pole vaulting competition sa Europa. Hindi man pinalad sa Tokyo Olympics puspusan na ang paghahanda ni Obiena para sa 2024 Paris Olympics.

Magsisimula ang uninterrupted training regimen ni Obiena sa Oktubre ngayong taon hanggang August 2024 bago ang Paris Olympics.

Pasok din sa qualifying rounds ng Australian open ngayong buwan ang 17-anyos na U.S. Junior grand slam champion na si Alex Eala.

Eala
Photo from Alex Eala's FB page

Nagsimulang mag-training si Eala sa Rafa Nadal Academy sa Spain noong siya ay 13-anyos pa lang at mula noon ay patuloy ang pagtaas ng kanyang ranking.

Si Eala ang highest-ranked Filipino female singles player sa WTA tour history na nasa ika-214 na pwesto. Proud si Eala sa kanyang tagumpay at sa pagkakataong makilala ang Pilipinas sa international sports scene.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa TFC News sa TV Patrol.