Ang dating IBF junior bantamweight champion na si Jerwin Ancajas. Fernando Sepe Jr., ABS-CBN News/file
Maaring hindi matuloy ang nakalinyang laban ni dating world champion Jerwin Ancajas sa Pilipinas sa darating na Pebrero.
Ayon sa kanyang trainer na si Joven Jimenez, planong paliparin ng MP Promotions ang dating IBF junior bantamweight champion papuntang US para mag-train doon.
"Dalawa ang pinagpipilian," sabi ni Jimenez. "Ituloy ang laban sa Imus sa March o sa US na ang laban."
Sa ngayon, hinihintay pa nila ang advisory mula sa MP Promotions chief na si Sean Gibbons.
Pero sabi ni Jimenez, sigurado na raw ang training camp nila sa US.
"Papunta kami sa Las Vegas para sa training po," aniya.
Nagpaplano sanang sumabak ni Ancajas sa isang laban sa Imus, Cavite sa darating na buwan.
Aakyat na siya sa bantamweight matapos ang dalawang sunod na talo kay Fernando Martinez ng Argentina.
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.