Pamilya Pacquiao sa Alberta, Canada na nag-Bagong Taon

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2020 06:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

Sa Alberta, Canada nagdiwang ng Bagong Taon ang pamilya ni boxing champ Manny Pacquiao kung saan in-enjoy nila ang lamig ng panahon.

Base sa ilang retratong ipinost nila sa Instagram, kumpleto ang pamilya Pacquiao na in-enjoy ang snow sa Alberta.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Matatandaang tumulak papuntang Canada ang boksingero pagkatapos ng Pasko para i-promote ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Lumahok rin siya sa isang exhibition match ng MPBL kung saan tumirada siya ng 31 points, 11 assists, at 10 rebounds para ipanalo ang Team Pacquiao laban sa Casem Calgary sa Seven Chiefs Sportsplex.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.