Baby na iniwan sa basurahan sa Greece, nasagip matapos ma-late ang garbage truck

Agence France-Presse

Posted at Dec 18 2019 07:01 PM | Updated as of Dec 18 2019 07:18 PM

ATHENS, Greece - Isang bagong silang na sanggol na iniwan sa isang basurahan sa Kalamata City, Greece ang nasagip nitong Miyerkoles matapos ma-late ang garbage truck sa pangongolekta ng basura.

"The baby was fortunate in its misfortune...there was a delay in the day's collection," saad ni Kalamata Mayor Thanassis Vassilopoulos sa interview niya sa Alpha TV.

"The garbage trucks do not just load waste, they compress it," aniya.

Ang sanggol, na ilang araw pa lang buhay, ay iniwan sa isang garbage chute sa gitna ng lungsod, ayon sa Alpha TV.

Natagpuan siya ng isang babae at dinala sa ospital dahil nahihirapan umano itong huminga. Inaasahan naman ang kaniyang paggaling.

- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse