PatrolPH

‘Twitter killer’ sa Japan, hinatulan ng kamatayan matapos pumatay ng 9 na tao

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2020 11:00 PM

‘Twitter killer’ sa Japan, hinatulan ng kamatayan matapos pumatay ng 9 na tao 1
Takahiro Shiraishi covers his face inside a police car in Tokyo, in this photo taken by Kyodo Nov. 2017 and released by Kyodo December 15, 2020. Kyodo/via Reuters

Hinatulan ng parusang kamatayan ang tinaguriang “Twitter killer” sa Japan, matapos ang kanyang pagpatay sa 9 na biktima at pag-chop-chop sa mga katawan nito noong 2017. 

Inamin ni Takahiro Shiraishi, 30 anyos, na pinatay at pinagpira-piraso niya ang katawan ng kanyang mga batang biktima, na umano’y nakilala niya sa social media platform na Twitter. 

Nasa pagitan ng mga edad na 15 at 26 ang mga biktima. 

Tinarget umano ni Shiraishi ang mga user ng platform na nagsabing gusto na nila kunin ang kanilang mga buhay, at sinabing kaya niyang gawin ang mga ito at mamatay pa kasama nila. 

Pero nauna nang dinepensahan ng kanyang mga abugado na dapat ay makulong na lang siya dahil pumayag naman ang kanyang biktima na mamatay sa pamamagitan ng kanilang suicidal thoughts. 

Binalewala ito ng isang hukom, at ibinaba ang hatol ng death penalty sa krimen na ginawa ng Twitter killer noong 2017. Tinawag ito ng hukom bilang “cunning and cruel,” ayon sa broadcaster na NHK. 

"None of the nine victims consented to be killed, including silent consent," sabi ng judge, base sa report ng NHK. 

Dagdag pa ng judge, mapanlinlang si Shiraishi at tinarget niya ang mga biktimang “mentally fragile.” 

“It is extremely grave that the lives of nine young people were taken away. The dignity of the victims was trampled upon," aniya. 

Ikinababahala na din daw ng publiko ang nangyaring krimen, lalo na’t laging ginagamit ang social media networks. 

Sinabi naman ni Shiraishi, na nakasuot ng face mask noong ibinaba ang hatol, na naiintindihan niya ang desisyon. 

Para naman sa ibang kaanak ng biktima, para anila’y hindi nagsisisi ang lalaki sa kanyang ginawa.

“It didn't sound at all like he regretted it... It felt like I was being hurt with a sharp knife over and over again,” sabi ng kapatid ng isang 25-anyos na biktima ng killer. 

Nagpugay ang ama ng 17-anyos na biktima ni Shiraishi sa desisyon ng hukom, at sinabing tama ito. 

"I feel like I want to get revenge, but bereaved families can't do anything. I don't know how to vent my anger," aniya. 

Shiraishi, handa umanong harapin ang kasalanan

Nauna nang na-detain si Shiraishi 3 taon nang nakakalipas ng mga pulis na nagi-imbestiga sa pagkawala ng isang 23 anyos na babae, na noong panahon na iyon ay nag-tweet tungkol sa kagustuhan nitong pagpapakamatay. 

Matapos mawala ang babae, nakakuha ang kanyang kapatid ng access sa kanyang Twitter account, at napansing may nakasalamuha siyang kaduda-dudang account. 

Dahilan ito para mahanap ang bahay ng killer noong 2017, kung saan nahanap ng mga awtoridad ang pira-pirasong katawan ng kanyang 9 na biktima — pati na ang nasa 240 na mga buto na nasa cooler at tool boxes na tinabunan na ng cat litter para maitago ang amoy at ebidensya. 

Inamin niya ang krimen, at sinabi sa korte noong Nobyembre na handa siyang harapin ang kanyang kasalanan. 

“I'm ready to admit my guilt and incur the punishment without appealing to a high court,” aniya.

Isa ang bansang Japan sa mga maituturing na “developed nations” na may death penalty, kung saan umaabot sa 100 ang mga nakakulong na nasa death row. Maraming residente naman sa Japan ang nananatiling suportado ito. 

Hanggang sa ngayon, pinagdedebatihan pa din sa Japan ang mga krimen ni Shiraishi na may kaugnayan sa suicide at tulong para naman sa mga nangangailangan nito. 

Isa ang Japan sa may pinakamataas na suicide rate sa maituturing na Group of 7 na bansang industrialized, kung saan umaabot sa lagpas 20,000 ang nagpapakamatay kada taon. 

Bumaba naman na ang mga kaso nito simula noong 2003, pero may mga senyales na tumataas muli ang suicide rate sa naturang bansa dahil sa pandemya. 

Isinalin ang ulat mula sa Agence France-Presse

Editor's note:

A group in the Philippines is dedicated to addressing those who have suicidal tendencies.

The crisis hotlines of the Natasha Goulbourn Foundation aim to make these individuals feel that someone is ready to listen to them.

These are their hotline numbers:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.