Amnestiya, nagbigay ng bagong pag-asa sa ilegal na OFW sa UAE | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Amnestiya, nagbigay ng bagong pag-asa sa ilegal na OFW sa UAE

Milanie Sanchez-Regalado,
ABS-CBN Middle East News Bureau
Published Nov 23, 2018 04:53 PM PHT

DUBAI – Hindi lahat ng nag-aapply para sa amnesty program ng United Arab Emirates ay pinipiling umuwi sa Pilipinas.

Isa na dito ang 56-anyos na si Alex Opao na higit 10-taong naging undocumented sa Dubai.

Paggawa ng partitions sa mga sharing apartments ang pinagkakakitaan niya at ibinahagi niya kung bakit mas pinili niyang manatili pa rin sa UAE sa kabila ng tyansang makauwi na sa Pilipinas matapos ng mahabang panahon.

“Mas maganda kita dito kaysa sa atin. Sa atin, sa edad kong ito, baka wala nang makuhang trabaho,” sabi ni Opao.

ADVERTISEMENT
Dahil sa amnesty, walang binayaran si Opao sa higit 300,000 dirhams o tinatayang P4.5 milyong multa. Bukod pa dito, nakakuha pa siya ng jobseekers visa na may bisang anim na buwan.

Taong 2008 nang bumiyahe siya papuntang UAE sa pamamagitan ng tourist visa. Nakapagtrabaho siya bilang wall designer pero na-bankrupt ang kumpanya kaya hindi siya nabigyan ng work visa. Natanggap din siyang chief cook pero hindi rin naman siya nabigyan ng visa ng kumpanya.

Noong 2012, nagtrabaho siya bilang sculptor at painter sa isang park zoo pero hindi rin nagtagal dahil nakumpleto na ang bilang ng mga trabahador at hindi na rin siya umubrang mabigyan ng visa.

Taong 2014 nang magkarpintero siya at nag-pokus na sa paggawa ng partitions.

Dahil sa matagal na pagiging ilegal na residente, aminado siyang palaging may kaba sa dibdib tuwing lalabas siya ng bahay at ilang beses na rin siyang nasita ng mga awtoridad sa Dubai.

“Limang beses na akong nasita o nahuli ng pulis, pero hindi naman ako nakukulong. Pinapalaya rin nila ako kasi hindi naman ako nagka-kaso dito kahit ano,” ayon kay Opao.

Pero mas mahirap sa kalooban niya nang kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas noong 2010, pero hindi niya nagawa.

“Nung namatay yung asawa ko, hindi ako nakauwi. Kasi kapag nangyari ‘yun, wala akong pagkakataong bumalik, kasi maba-blacklisted ako dito. ‘Yun nga, may edad na rin tayo, mahirap na uling mag-apply,” sabi niya.

Bago matapos ang anim na buwang jobseekers visa ni Opao ay kailangan niyang makakuha ng trabaho sa isang kumpanyang magiging sponsor niya para magkaroon siya ng UAE residence visa.

Ang amnesty program ng UAE ay nagsimula noong Agosto 1 at na-extend pa hanggang sa unang araw ng Disyembre.