SEOUL, South Korea — Nagwagi ang Pilipinas sa Seoul International Invention Fair o SIIF 2023 na ginanap noong November 1-4 sa COEX Seoul.
Ilang ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas ang ang bumubuo sa Team Philippines, kabilang na ang Department of Science and Technology o DOST – Industrial Technology Development Institute o ITDI, Philippine Nuclear Research Institute o PNRI, Philippine Textile Research Institute o PTRI and Technology Application and Promotion Institute o TAPI sa pangunguna ni Director Marion Ivy Decena.
Mga lumahok sa Seoul International Invention Fair 2023
Suportado ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul sa pangunguna ni Ambassador Theresa Dizon-De Vega ang DOST delegation sa kauna-unahan nitong paglahok sa SIIF.
Ayon pa sa DFA, ibinahagi ng Pilipinas sa nasabing exhibition ang walong bagong teknolohiya mula sa imbensyon ng mga kababayan tulad ng:
- Kayumanggi: Stabilized Brown Rice
- Flavored Salt and Food Seasoning
- Salt Washer Machine
- New Plant Growth Promoter
- New Hemostat Technology
- Industry-Scalable Natural Dyes
- Lyocell/Natural Textile Fiber-Blended Yarns Shoe Insole Made of Natural and Bio-based Materials
Halos 500 na bagong teknolohiya ang ibinahagi sa SIIF 2023 na nagmula sa 26 bansa.
Ang Pilipinas ay nakasungkit ng mga parangal kabilang na ang 2 gold awards, 2 silver, 2 bronze, at 5 special prizes.
Partikular na nagwagi ng gold awards ang PNRI-developed New Hemostat Technology at ITDI-developed gourmet salt habang nasungkit ng PTRI-developed Lyocell Technology at PNRI-developed New Plant Growth Promoter ang silver awards at naka-bronze naman ang FNRI-developed brown rice at ITDI-developed salt washer.
Ang SIIF ay isang opisyal na exhibition ng gobyerno ng Republika ng Korea habang host naman ang Korea Invention Promotion Association o KIPA.
Layon nitong tipunin ang mga innovative ideas, bagong teknolohiya at mga orihinal na patented inventions mula sa mga kalahok na bansa sa iba-ibang panig ng mundo.