Di bababa sa 19 patay sa pananalasa ng bagyong Hagibis sa Japan

Alden Estolas, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2019 06:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi bababa sa 19 ang namatay sa Japan sa pananalasa ng bagyong Hagibis - isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa sa nakalipas na ilang dekada. 

Halos 100 ang nasugatan, habang 13 tao ang nawawala. 

Sa Chiba prefecture, agad na bumaha at natuklap pa ang bubong ng ilang bahay. Tila mga latang niyupi naman ang mga sasakyan at wasak na wasak ang ilang tahanan. 

Paralisado rin ang operasyon ng subway at bullet train. 

Aabot sa 6 milyong residente ang pinalikas at aabot sa 400,000 bahay ang nawalan ng kuryente. 

Lumagpas sa flood risk level ang tubig sa Tama River, isa sa pangunahing ilog sa Japan. 

Lumubog naman ang mga bahay at sasakyan sa Ise Mie prefecture. 

Nagsagawa na rin ng aerial rescue ang Japan Self-Defense Force kasunod ng pag-apaw ng Chikuma River. 

Sa ngayon, tumila na ang ulan sa ilang parte ng Japan matapos ang bagyo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.