Umabot sa $1.2 milyon ang pagsusubasta sa rare gold coins na natagpuan sa mansion sa France nitong Miyerkoles. Mula sa Ivoire/Deloys website
Umabot sa $1.2 milyon ang bid sa pagsusubasta sa mga gold coin na natagpuan sa nire-renovate na mansion sa France nitong Miyerkoles.
Nadiskubre ng mga stonemason ang nasa 239 piraso ng gintong barya nang i-renovate ang mansion sa Quimper sa western Britanny region noong 2019, ayon sa mga auctioneer na Ivoire/Deloys.
Tinago bilang souvenir ng pamilya ang apat na barya at isinubasta ang nalalabing mga barya na nagkakahalagang 250,000 hanggang 300,000 euros.
Binuksan sa 8,000 euros ang pagsusubasta sa double Louis d'Or, na may retrato ni Louis XIV at pinaniniwalaang mula pa sa taong 1646.
Umabot sa 46,000 euros ang halaga nito sa auction, na kaparehong halaga ng Louis d'Or mula Paris na may petsang 1640 at may stamp ng Templar's cross.
"Bids were flying from everywhere— in the room, on the internet and on the telephone," sabi ng auctioneer na si Florian D'Oysonville.
Nitong taon lang ito ini-report matapos ipasubasta ang mga ito sa auction house.
Paghahatian ng mga may-ari at mga nakahanap ng ginto ang malilikom sa pagsusubasta nito.
Sabi naman ni D'Oysonville sa AFP na ang mga barya ay posibleng mga pinag-ipunan ng mayamang trader o land owner.
— Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.