TINGNAN: Rattan bag na may pintang mukha ni Catriona Gray, gawa ng Pinoy

Rachel Salinel, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2019 03:17 PM

Hawak ni Elton Lipanta ang rattan bag na may pinta ng mukha ni Catriona Gray na nais niyang personal na maiabot sa beauty queen. Rachel Salinel, ABS-CBN News

Siyam na buwang naghintay ang isang bag Dubai-based Pinoy artist para personal na maibigay ang kaniyang ipinintang rattan bag kay Miss Universe Catriona Gray, Huwebes.

“Super excited ako na makita siya. Inumpisahan ko ito ng January so excited ako dahil darating na siya finally,” sabi ni Elton Lipanta, isang bag artist mula sa Mindanao.

Huwebes ng dumating sa Dubai si Gray. Mananatili siya dito hanggang Sabado at susubukan ni Lipanta na makaharap ang beauty queen. 

Dagdag niya, may halos 200 katao na sa Dubai ang nakapagpa-picture at masayang humawak ng kaniyang obrang tinawag niyang #104millionfilipinobag, na ipininta niya sa loob ng apat na oras.

“Ang bag na ito ay nagre-represent ng ating pagka-Filipino hindi lang para sa akin kung hindi sa lahat ng 104 million Filipinos. Ito represented the parol at sa Visayas din at saka 'yung trademark niya na ear cuff na three stars and the sun,” sabi ni Lipanta.

Taong 2016 nang nahandugan din ni Lipanta si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach nang bumisita ang beauty queen sa Dubai. 

“Pia was so happy about the bag. She was so proud na isang Filipino ang gumagawa nito sa UAE,” sabi niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.