HONG KONG - Tinalakay ni Philippine Trade and Investment Center in Hong Kong o PTIC-HK Vice Consul (Commercial) and Commercial Attaché Roberto B. Mabalot, Jr. ang mga oportunidad ng pagnenegosyo sa Pilipinas sa idinaos na Belt and Road Summit sa Hong Kong noong September 14.
Isa ang Pilipinas sa mga kinikilalang fastest-growing economies sa ASEAN region patunay ang pagtaas ng GDP growth rate ng bansa ng 6.4% para sa unang quarter ng 2023.
Hinihikayat ang mga dayuhang negosyante na samantalahin ang pagtaas ng economic trajectory ng Pilipinas at ang transformative laws na kamakailan lamang ay naipatupad sa bansa para sa pagsusulong ng foreign investment.
Tinututukan ng PTIC-HK ang pagtulong at pagbibigay suporta sa mga dayuhang mamumuhunan para sa kanilang pagnanais na makapagnegosyo sa Pilipinas.
Ayon pa sa ahensya, ito ang tamang panahon para magnegosyo sa Pilipinas. Patuloy ang pagsusulong ng PTIC-HK sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng mga mamumuhunan mula sa syudad ng Hong Kong at iba pang bansa sa ASEAN.